Sentidokomon

Life is Common Sense



OFVC Seminar

25th April 2010

teambuilding-exercise.JPGAng

Overseas Filipino Volunteers in Cyprus (OFVC) ay patuloy na nagpapakahusay sa paghubog ng kanyang oryentasyon bilang isang volunteer group. Kayat minabuti ng mga miyembro at sampu ng ilang partner groups ang mag hold ng Leadership and Teambuilding Workshop Seminar. Sa tulong ng Philippine Overseas Labor Office at OWWA, kami ay nabigyan ng isang araw na training ukol sa pamumuno at pagpapatatag ng isang organisasyong tumutulong sa mga OFWs sa Cyprus. Ito ay ginawa sa Centrum Hotel noong ika- 5 ng Abril, Easter Monday kung saan day off naman ng fifteen (15 ) participants.

confident-and-energized-ofvc-team.JPG

Si Welfare Officer Josephine Sanchez- Tobia ang nagbigay ng kabuuang workshop kung saan mga group dynamic activities ang pinagawa sa amin. Ang ating Welfare Officer nga pala ay experienced creative facilitator sa mga trainings on Leadership & Teambuilding since 1980. Si Labor Attaché Atty. Jaime Gimenez ang naging resource person sa Leadership subject.

Ito ay bagong experience para sa aming OFWs dahil ngayon lang kami naka attend ng ganitong seminar na merong games at moral lesson kung saan ang aming mga objectives for the seminar ay nasasagot. Meron pa kaming creative works na ginawa para matukoy ang aming weak and strong points sa human behaviour. Balak ng OFVC na ito ay ma replicate sa ibang cities tulad ng Pafos, Larnaca at Limassol para sa mga ibang grupo doon not necessarily OFVC lang.

labatt-gimenez-as-resource-person.JPG

Mahalaga ang natutunan namin sa seminar tulad ng basic leadership traits, characteristics at mga guiding points in becoming a good leader. Pati self assessment sa pagiging leader ay nalaman namin through the Q&A na binigay ng facilitator. Napakaganda rin ang na undergone naming activity games for the team-building dahil dito na established ang trust and listening skills ng mga participants. Kaya naman pag labas namin from the workshop ay na reenergized kami at may focus sa patutunguhan ng aming mga tasks.

Maari nating imbitahin uli ang POLO para magkaroon pa ng ganitong activities sa ibat ibang grupo or cities para mapahusay pa natin ang pag organisa at pagtulong sa ating mga kababayang nangangailangan.

 

 

 

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

 

Bad Behavior has blocked 214 access attempts in the last 7 days.