Sentidokomon

Life is Common Sense



Pinay bali ang buto matapos mapalundag sa gusali

18th March 2010

(TP – March)judith.jpg

(Judith Lumactod noong hindi pa naaksidente)

kasalukuyang ginagamot ngayon sa Nicosia General Hospital ang isang pinay na dalawang araw na walang malay sanhi ng pagkahulog mula sa ika-3 palapag ng apartment na kanyang tinutuluyan sa No.7, Armenias Street, Nicosia noong ika-13 ng Pebrero. Ang biktima ay nakilalang si Judith Lumactod, 33 taong gulang na taga Iligan City. Ayon mismo sa kanya, siya at 7 pang kasambahay ay nabulabog sa 14 na immigration police na umakyat sa apartment nila noong Sabado ng gabi. Sa katarantahan ay hindi na raw niya alam ang sumunod na nagyari noong gabi ng Sabado dahil nagkamalay na siya sa loob ng hospital noong Lunes ng umaga, ika-15 ng Pebrero.judith-with-joy.JPG

Judith with Ester and Joy

Dagdag na salaysay ni Judith na siya at kanyang mga kasambahay ay may hinalang itinuro sila ng isang Cypriot na nagngangalang Stelios. Ang taong ito umano ay dating nobyo ng kanyang room mate at pilit na nakipagbalikan subalit tinanggihan. Dahil sa pagkapahiya at dahil interesado din daw itong si Stelios sa apartment na kanilang tinitirahan, kung kaya nagawa nitong isuplong sila sa pulis. Si Judith at kanyang mga kasamahan ay pareho-pareho umanong wala nang mga bisa sa Cyprus.

Nauna nang inopera sa ulo si Judith “to relieve the intracterial pressure due to swelling,” ayon pa sa isang hospital staff . Ayon kay Dr. Christopolous sa Neuro- Surgical ward ng Nicosia General Hospital, si Judith ay malamang hindi na makakalakad pa muli sanhi ng kanyang spinal cord injury na apektado ang kanyang mga paa o L4-S1. Inoperahan ito noong Martes, March 1, para kahit papaano ay pwede pa siyang makaupo.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

 

Bad Behavior has blocked 206 access attempts in the last 7 days.