Ngiti
29th January 2008
By Loremie Pelobello
Habang nag-aabang ng jeepney,
Doon ko unang nasilayan ang ngiti,
Ngiti na kaygandang pagmasdan
Araw-araw kong inaabangan
Sa jeepney ika’y kaharap,
Ako’y nakatutok sa ngiting nakakabihag
Mata ko’y napapikit sa hanging dumaan,
Sa aking pagdilat ika’y lumisan
Nawalang parang bula ang ngiting aking kinahihibangan,
Mula noon ngiti mo’y hindi na nasilayan
Jeepning dumaraan laging tinitingnan
Sakaling muling masilayan ang ngiting pinakakaasam asam.